Pagkatapos umikot sa bagong National Museum of Natural History, mas lalo akong napamahal sa Pilipinas. Totoong pinagpala ang ating bansa. Salamat sa mga institusyong nagpapaalala sa atin nito.
Pagkatapos umikot sa bagong National Museum of Natural History, mas lalo akong napamahal sa Pilipinas. Totoong pinagpala ang ating bansa. Salamat sa mga institusyong nagpapaalala sa atin nito.
“My hands
Open the curtains of your being
Clothe you in a further nudity
Uncover the bodies of your body
My hands
Invent another body for your body”
– “Touch,” Octavio Paz (trans. Charles Tomlinson)
then i shall know fully, even as i am fully known
(i am but a humble sportswriter. i don’t know anything about art. will toledo do not flame this post)
the biblical passages that close out famous prophets (minds) and famous prophets (stars) are vital moments in the twin fantasies: these are the final thoughts the narrator leaves us with before he wakes up from/ends the fantasy, when he steps outside and looks at the sun for the first time in memory. these verses sum up the story. they are what the narrator, and we, are taking from the way the fantasy unfolded; the language of the bible lends a certain universality and cosmic importance to the story we have just been told; and, importantly, will changes the last line of each, making the final thought of the fantasy his own, turning back at the last moment to the personal and specific.
these are all similarities in the function these verses serve on their respective albums, but, obviously, mirror to mirror and face to face are not quite the same story – they are inversions of each other, they cannot exist without each other, they complicate and fulfill each other – and the verses chosen reflect that. under the cut i’m going to talk about why the context and content and the final alteration made to each of these verses feels so interesting and important to me
Madali lang madama na undeserving ka. Tipong ayos ka lang kahit wala kang ginawa talaga. Kahit di na walang ginawang tama; basta walang ginawa. Pero ayun, umaapaw ang ilog dito, kaya sigurado kang tuyo ito sa kabilang pampang. May mali sa mundo. Tabingi na ang timbangan. Baliko ang balanse. Iniisip mo kailangan mong bumawi, kasi baka ikaw ang bawian. Sorry, sasabihin mo sa kung sino. Hindi, sasabihin sa iyo. Ayos lang iyan. Tanggapin mo na lang. E di sige. Salamat. Kahit sa loob-loob mo nginangatngat ka na ng guilt. Mas nakaka-guilty nga lalo kasi sinabihan ka ng ayos lang. Sabay iyon, ‘yung lugod ng gratitude at anxiety ng guilt. Hindi nagka-cancel out. Nagpapaligsahan. Naghahabulan sa isang walang-katapusang siklo, isang bilog na palaki nang palaki hanggang sakop na nito ang buo mong mundo. Anyway, heto na yata ang pinaka-stressful day sa adult life ko, kaya kanina kumain ako sa Jollibee kahit di ko yata deserve. Sa mga taong nadamay at nakiramay sa akin ngayon, para sa inyo ang peach mango pie ko. Sorry at salamat.
Umaga pagkatapos ng 24th birthday ko, sinuklian ako ng panaderya ng pisong kinakalawang. 1995, sabi ng nakasulat. Matanda lang ako ng isang taon. Ang dami na rin sigurong napagdaanan ng pisong ito, naisip ko. Andaming pawisang palad, bulsa, pitaka, alkansya, lalagyan ng barya. Limang presidente, ilang bagyo, ilang jeepney strike at welga, pagtaas-pagbaba ang bilihi’t gasolina. Pero ang halaga pa rin niya matapos ng lahat ng iyon: piso pa rin. Piso sa simula, piso hanggang ngayon. Di ko alam kung matutuwa o matatakot.
Noong bata ako, may paniniwala akong kapag may second floor ang isang bahay, mayaman ang pamilyang nakatira doon. Mas maraming palapag, mas mayaman. Kaya nangarap akong magkaroon kami ng second floor. Dalawang linggo na ang nakararaan, nagkaroon na nga kami ng second floor, pero di ko naman naramdaman na yumaman kami. Ayos lang, sabi ko sa sarili ko. May magandang view naman ng sunset.